SHOWBIZNGAYON
Hulyo 30, 2010
By: Veronica Samio
Kung konting sakit lang naman ang mararanasan pero kapalit naman ay isang pangangatawan na kaiingitan ng lahat, okay na sa sosyalerang si Tessa Prieto-Valdes na unti-unti nang nakukumbinseng magpa-lypo para mawala ang kanyang puson na feeling niya ay hindi na magandang tingan.
Kung tutusin ay takot si Tessa pero nang makita niya ang resulta ng prosesong ito ns isinagawa sa basketbolistang si Alex Crisano, ayaw na niyang magdalawang isip pa, Baka nga magtampo pa sa kanya ang friend niya si Dra. Vicki Belo dahil nun pa saiya nito kinukumbinse pero ngayon lamang siya napapayag ni Dra. Claudine Santos-Roura, ang nag-iisang cosmetic surgeon sa bansa na nagsanay magsagawa ng Vaser High Definition Liposculpture, isang proseso na nagtatangagal ng mga hindi kinakailangan mga taba at bilbil sa katawan. Isinasagawa niya ito sa kanyang sariling Contour Advanced Face and Body Sculpting Institute na matatagpuan sa South Park Plaza, Paseo de Magallanes, Makati.
Hindi pa sumasailalim sa nasabing proseso si Tessa at uunahin muna niya ang pagpapaganda ng kanyang balat sa pamamagitan ng Silk Peel Dermal infusion at Revalift. Pero ang isa pang image model at endorser ng Contour na si Alex Crisano ay matagumpay nang natanggalan ng taba na hindi niya kailangan kaya lumabas na ang mga kaingit-ingit niyang muscles. Inamin niyang may sakit siyang naramdaman pero sulit ang lahat kapag nakikita niya ang ginawa nitong improvement sa kanyang katawan.
"It took me just one and a half weeks to heal. Now I'm ready to pose even for sexy magazines but not nude poses for me, i always have to have my briefs," sabi ng dati ay kontrobersiyal na personalidad pero ngayon ay isa nang tahimik na asawa at padre de familia. Nagkabalikan na sila ng kanyang partner