[Click to edit the title]

Palaban, Maasahan PM- Pang-Masa

Hulyo 29, 2010 Huwebes

Ethel Booba burado na sa buhay ni Alex Crisano

 

Happy mood si Alex Crisano nang dumalo sa presscon ng iniendorso niyang Contours Advanced Face and Body Sculpting Institute. Marami tuloy ang nakapuna na parang burado na ang bad boy image niya noong very sweet pa sila ni Ethel Booba "Talaga" ang mariing sagot ng higanteng cager na ngayon ay celebrity na rin in his own right. "I'm a changed man. I'm happy that everything is new right now," super ngiti na sagot ni Alex sa mga naka-table na showbiz press.

Ayaw na niyang pag-usapan ang mga nakaraang isyu sa on and off relationship niya kay Ethel. Tpos na raw talaga sila this time. Ulit pa niya, "I'm taking care of my future,No more questions from the past,"

Ang "change" na sinasabi ni Alex ay para  sa tatlong anak niya na kahit hindi niya kapiling ay sinasabing nakabantay siya sa paglaki ng mga ito dahil nakikipag communicate siya lagi sa mga bata, kasama na ang tatlong iba-ibang nanay nila.

kaya naman siguro dumating nang sunud-sunod ang mga bagomg pagkakaabalahan niya ngyon bukod sa basketball.

Kasama siya sa musical variety show na P.O.5 ng TV5. At may ginagawa siyang rap album. Siyempre mas interesado ako sa rap album na binubuo niya kesa sa pinaggagawa niya sa TV show. Para kasing nakakagult na may hilig pala ang 6'7 athlete na tulad niya sa rap music.

Ang rason ni Alex kung bakit rap ang napagbalingan niya: "To subside my basketball pains."

Sabi pa ng 30-something Fil-am, wala na siyang ibang maisip na paraan para ma-express ang "strong side" ng sarili dahil burado na siya ng mga tato sa katawan. Wala na siyang mapaglagyan.

"No more space," ang natatawa pa niyang  dagdag. Lima ang ibinigay niyang rap songs na buo na: Cali Garden Mobbin, Urong, Brooklyn to tondo, Just Do It, at Why Not "Di Ba? at ang album na Bullet-Hate Proff ay malapit nang ilabas. Tulad ni Alex, positibo ang nilalaman ng debut album at hindi tipong "ghetto rap" o puro galit ang ipinuputak.

Itinuro rin ni Alex ang mga supporters niya sa bagong direksiyon,ang mga kapwa rap lovers sa www.konektado.com, na kasama niya sa presscon. Ito ang website nila na para sa mga rap fans at artists  sa Philipinas at kahit sa abroad. Nabanggit din ni Alex na isa si Andrew E.  sa mga tumutulong sa bagong music career niya.

 

*****************************************************

Tungkol naman sa Contours Advanced Face  and Body Sculpting Institute endorsement ng basketball star. Itsinika niyang surgical procedure ang ginawa sa kanya ng owner na si Dr. claudine Roura.

Bakit pa siya nagpatapyas eh sporty at gym buff naman ang isang tulad niyang PBA player? May taba pa ba sa katawan si Alex?

Oo ang sagot niya at inamin na ang konting bilbil na tinapyas ay galing sa tagiliran at likod na bahagi. "Yun ang makunat alisin kahit matinding exercise pa ang gawin, ayon kay Alex. Para maging perpekto ang hugis ng eight-pack body nya, sumailalim siya sa VASER Hidef ( High Definition ) Liposculture na sa Contours lang meron. At iisa lang ang klinika nito nasa Magallanes, Makati.

Convincing naman ang paliwanag ni Alex dahil naalala ko rin ang reklamo ng kapated ko na panay ang jogging at basketball pero may mga baby fats pa rin sa tiyan. Pumapayat naman siya at may magandang biceps pero hindi maalis ang problem niya sa abs.

"Yun nga lang at hindi basta-basta maaford ang VASER Hidef para magaya ang body-licious ni Alex. Ang halaga P250,000.