ALEX, AYAW NA NG MAGULONG BUHAY- HATAW D'YARYO NG BAYAN-Biyernes, Hulyo 30,2010
Isang ibang-ibang Alex Crisano ang aming nakita sa paglulunsad ng Contours para sa kanilang mga bagong endorser kabilang na nga ang basketball player at si Ms. Tessa Valdes noong Miyerkoles sa Racks, Magllanes.
Bagamat basketbal player, kinailangan pa rin ni Alex na sumailalim sa high definition lipo dahil may mga taba-taba siya sa tagiliran at likuran. "Syempre, pagkatapos ng practice o laro, marami ang nkakain, kahit nagwoworkout hindi maiwasang magkaroon ng taba-taba. Kaya nagpa-lipo ako sa Contours, "ani Alex.
Ang Contours ay dalawang taon na na pinamamahalaan ni Dra. Claudine Santos-Roura. Si Dra.Roura ang first and only cosmetic surgeon sa bansa na na-train at may certification para magperform ng Vaser High Definition Liposculture. Graduate ng UST Faculty of Medicine and Surgery si Dra. Roura at member of the Philippine Dermatological Society at Philippine Academy of Cutaneous Surgery, International Society for Dermatologic Surfery, At American Colege of Phlebology.
"I decided to avail of the Vaser High Definition Liposculture at Contours because it was a chance for me to see fast results and improve the way I look.The procedure was not totally painless but no pain, no gain right? Fortunately, Contours has good equipment to help you heal faster," sambit pa ni Alex na talaga namang buong pagmamalakiing ipinakita ang napakagandang pangangatawan at ang abs na tiyak na hahangaan ng kahit sino ang makakita.
"I made mistakes but, hey, who here does not make mistakes?I've learned from those, mistakes. That's how it is in life. You make mistake and you learn from those mistakes in order to come out as a better person," giit pa ni Alex ukol naman sa pagsasabing isang bagong Alex na raw ang kaharap namin noong araw na iyon dahil mas naging dedicated na siya sa mga anak at sa bagong career nakakaharapin, ang pagiging rapper.
Ayaw na ngang balikan pa ni Alex ang nangyari sa kanila ni Ethel Booba, pero marami raw siyang natutunan sa kanilang relasyon.Nakatuon na lamang ang kanyang atensiyon sa tatlong anak na sina Alex Luis, 9; Aliyah Marie, 7 at Joey Vincent, 5 na aniya'y siyang inspirasyon sa pgbabalik sa hard court at pagkakaroon ng maayos at tahimik na buhay.